Ang Amo at ang Katulong
Dalawang gabi nang napapasin ni Amo na ang kanyang repridyireytor(Refrigerator) ay laging naka-off pag gabi, kaya kinabukasan galit na galit na kinausap ni Amo si Katulong.
Amo: Inday (pangalan ng katulong), bakit dalawang gabi ko nang napapansin na naka-off ang ating pridyider? Hindi mo ba alam na masisira ang mga karne at isda sa priser.
Inday: Eh, Ma'am, kasi ayokong hong uminom ng malamig na tubig sa umaga.
Isang araw na naglilinis ang katulong nang bigla na lang na nag-ring ang telepono.
Amo: Paki sagot nga Inday ang telepono?
Inday: Yis sir
Inday: Hello - hello - hello (walang marinig na boses kasi baligtad ang hawak sa receiver)
Amo: (napansin ng amo na baligtad): BALIGTARIN MO
Inday: LLO - HE - LLO-HE - LLO- HE
Amo: (galit na galit na) : Hindi yan, ang ibig kong sabihin na baligtarin mo yung TELEPHONE...
Inday: PHONE-TELE , PHONE-TELE , PHONE-TELE...
Pinapaselos Niyo Ako
Kring, kring.........
AMO : Inday sagutin mo ang telepono
baka kabit yan ng Sir mo!!!
INDAY : Si Ma'am talaga o.....pinapaselos ako!!!
Tsimay Power
AMO : Inday, magluto ka ng
marami mamaya. Dadating ang mga amiga ko.
INDAY : Yes mam! Ano'ng klase ng luto ang gusto n'yo, Yung babalik pa sila uli o
hindi na!
Mas Bobo
Isang araw, nag-uusap yung dalawang mag-kaibigan, si Joey
at si Mark.
Joey: Alam mo, Mark, talagang napaka-bobo ng katulong
naming si Maria.
Mark: Wala iyan! Sinisiguro ko sa iyo, mas bobo yung
katulong naming si Inday.
Nag-talo silang dalawa....
Joey: O sige, patutunayan ko sa iyo a. Watch this! MARIA,
'ALIKA RITO!
Maria: Yes sir! What can I do to you?
Joey: Eto piso, bumili ka ng apat na case ng beer.
Maria: Yes boss! Coming up!
Joey: O Mark, bilib ka na ba sa kabobohan niyan, piso--bibila
siya ng apat na case ng beer.
Mark: Wala pa rin iyan kay Inday, ikaw naman ang manood....INDAY,
'ALIKA RITO SANDALI!
Inday: Yes Sir! Ano po iyon!?
Mark: Pumunta ka sa opisina ko, tignan mo kung nandoon
ako....
Inday: Yes Sir! Pupunta na po ako!
Mark: O Joey, kita mo naman na mas bobo pa iyan kaysa
kay Maria....
Later, nag salubong yung dalawang katulong.....
Maria: Inday, alam mo ang bobo talaga ng amo kong si Sir
Joey....
Inday: Wala iyan....mas bobo si Boss Mark ko.
Maria: Hinde! Mas bobo si Sir Joey, isipin mo, binigyan ako ng piso para bumili ako ng APAT na case ng beer......e, alam naman niyang HINDI KO KAYA BUHATIN IYON NANG MAG-ISA!!!!!!!
Inday: Mas bobo naman si Boss Mark noh! Pinapupunta pa ako sa opisina niya para tignan kung nadoon siye....e, MAY TELEPONO NAMAN!
Nakatipid
Takbong pumasok ng bahay si Inday. Pagud na pagod, pero
masayang-masaya.
Nagmamayabang pa sa amo.
Inday: Sir! Sir! Nakatipid ako ng dos singkwenta.
Amo: Nakatipid? Paano?
Inday: Aba'y 'di ako sumakay ng dyip. Sumabay lang ako
ng takbo. Kaya't
nakatipid ako ng two-fifty.
Amo: Bobo ka pala, eh. Kung taxi ang sinabayan mo, 'Di
mas malaki ang
natipid mo!
______________