Buti Pa Siya (Poem)

   Buti pa ang Kalendaryo, may date
   Buti pa ang Hersheys, may kisses
   Buti pa and Probability, may chance
   `Yung ibang tao, wala.
   Buti pa ang telepono, hini-hello
   Buti pa ang film, nadi-develop
   Buti pa ang typewriter, nata-type-pan
   `Yung ibang tao, hindi.
   Buti pa ang exams, sinasagot
   Buti pa ang problema, iniisip
   Buti pa ang assignment, inu-uwi
   `yung ibang tao, hindi.
   Buti pa ang panyo, nadadantay sa pisngi
   Buti pa ang baso, dinadampian ng labi
   Buti pa ang unan, inaakap sa gabi
   `Yung ibang tao, hindi pwede.
   Buti pa and kamalian, napapansin
   Buti pa ang salamin, minamasdan
   Buti pa ang hininga, hinahabol
   `Yung ibang tao, hindi.
   Buti pa ang tindera, nagpapatawad
   Buti pa ang awit at tugtog, pinagsasama
   Buti pa ang sugat, inaalagaan
   `Yung iibang tao, hindi.
   Buti pa ang lungs, malapit sa puso
   Buti pa ang  bra, kakabit ng dibdib
   Buti pa ang kotse,  mahal
   `Yung iba tao, hindi.
   Buti pa ang pera, iniingatan
   Buti pa ang mahjong, sinasalat
   Buti pa ang damo dinidiligan
   `Yung iba diyan, hindi.
   Buti pa ang sobre, nadidilaan
   Buti pa ang  susi, naipapasok
   Buti pa ang itlog, binabati
   `Yung sa akin, hindi.
   Buti pa ang doorbell, pinipindot
   Buti pa ang keyboard, napi-finger
   Buti pa ang bola, nilalaro
   `Yung sa akin, hindi.
   Buti pa...
   Magtrabaho ka na
At Baka masisante ka pa.