Buti Pa (Song)

By Gary Granada

Mabuti pa ang mga surot
Laging mayroong masisiksikan
Mabuti pa ang bubble gum
Laging mayroong didikitan
Mabuti pa ang salamin
Laging mayroong tumitingin
Di tulad kong laging walang pumapansin.

Mabuti pa ang mga lapis
Sinusulatan ang papel
At mas mapalad ang kamatis
Maya maya napipisil
Napakaswerte ng bayong
Hawak ng aleng maganda
Di tulad kong lagi na lang nag-iisa.

Ano bang wala ako na mayro'n sila
Di man lang makaisa
Habang iba'y dala-dal'wa
Pigilan n'yo akong magpatiwakal
Mabuti pa ang galunggong
Nasasabihan ng "mahal".

Kahit ang suka ay may toyo
At ang asin may paminta
Mabuti pa ang lumang dyaryo
At yakap-yakap ang isda
Mabuti pa sila, mabuti pa sila
Di tulad kong lagi na lang nag-iisa

Mabuti pa ang simpleng tissue
At laging nahahalikan
Mabuti pa ang mga bisyo
Umaasang babalikan
Mabuti pa sila, mabuti pa sila
Di tulad kong lagi na lang nag-iisa.

Pigilan n'yo akong magpatiwakal
Bakit si Gabby Concepcion
Lagi na lang kinakasal.

Mabuti pa ang mga snatcher
Palaging may naghahabol
Ang aking luma na computer
Mayro'n pa ring compatible
Mabuti pa sila, mabuti pa sila
Di tulad kong lagi na lang nag-iisa.